Thursday, May 21, 2009

Erap Jokes

Pasaload

Si erap txt ng txt hanggang piso nalang load nya. Tinext nya si Loren Legarda.
Sabi nya "loren, pa pasaload naman ng 2 piso!"

Pumayag si loren. Nung natanggap na ni erap,
nag reply siya.
Erap: Got it na! Ty!
Loren: Hoy! Ang bobo mo naman! Wag ka magreply! Mauubos na load mo!
Erap: Ok

GIVE ME

Kumain sa isang sosyal na Restaurant si FVR at ERAP.

FVR: Give me a Swiss Steak and French fries.

Erap: Ako rin, give me sweeptakes and first prize too.


Escalator

Humahangos ang aid ni Erap dahil
huli na ito sa meeting.
Aide: Sir, pasensya na kayo.
Nag-brownout kasi habang papunta ako
rito at na-stuck ako sa ESCALATOR nang
dalawang oras.

Erap: Ibig mong sabihin, dalawang
oras kang nakatayo roon habang
naghihintay ka ng koryente?

Aide: Ganon na nga po.

Erap: Bobo! Tanga! Estupido!
Hunghang! bakit hindi ka man lang
umupo.

Gantimpala

Isang araw, nagpasya si Erap na
maglakbay sa pamamagitan ng
pagsakay ng barko. Hindi pa nakakalayo ang
barko ng bigla itong lumubog.
Makalipas ang ilang minuto, isang rescue
team ang dumating. At ni-rescue
si erap ng isang kabataang lalake.

Erap: Sabihin mo kung ano ang
gusto mong gantimpala at ibibigay
ko sa yo?

Lalaki: wheelchair po.

Erap: Bakit wheelchair e hindi ka
naman pilay?

Lalaki: Dahil po pag nalaman ng
tatay ko na iniligtas ko kayo,
siguradong pipilayan nya po ako.

In Labor


One particular day many years ago, Erap's
wife was having labor pains.
Erap panicked so he called their doctor.
Erap: Hello, doc. My wife is in labor!
Doc: Is she in a lot of pain?
Erap: Yes, doc!
Doc: Is this the first baby?
Erap: No, doc. This is Erap!

TESTING

As Erap's Driver test drive it.

Driver to Erap: Sir, pweding pakitingin kung umiilaw yung parking light
(as driver switches on the parking light)

Erap: OK, its ON! Gumagana.

Driver: Sir, yung headlights, umiilaw ba? (as driver switches on the headlights)

Erap: OK rin, its ON! Gumagana.

Driver: Sir yung signal light pakitingin? (as driver switches on the signal light)

Erap: Gumagana, ay ayaw, ay gumagana, ay ayaw, ay gumagana, ay ayaw.......

Electric Fan

Tanong ki Erap : Bakit yung airplane pag umiikot and

elisi, uma-angat sa lupa?

Bakit yung bentilador kahit umiikot, nasa mesa pa din?

Erap : Tanga ka pala eh! Kasi yung bentilador may kurdon, pinipigilan yon!!

Carnap


Loi to Erap: Hon, hon, ang Chedeng mo kina-carnap.
Erap- bumaba para humabol.
Later bumalik.
Loi: Nahuli mo ang carnapper?
Erap: Hindi eh, pero nakuha ko iyong plate number.

Gera


Isang Araw sumama si ERAP sa guera ng Abu Sayaf ng marami ng nagpuputukan

Erap: Cease Fire!!! Cease Fire!!!

Abo Sayaf Leader : E Spell muna bago kami mag Cease Fire!!!

Erap: Ahhh... Tuloy ang laBan!!!

Mutain


Jinggoy, umiiyak habang pauwi galing sa school. Sinalubong ni Erap ang anak.

Erap: Anak, bat ka umiiyak?

JINGGOY:
Hu! Hu hu! Dad, kina kantyawan na naman ako ng mga kaklase ko, matanda
na daw ako pero di pa rin ako tinutuli. Sabi pa nila, pag nagkaanak daw
ako, magiging mutain ang anak ko. Hu! hu! Hu!.

ERAP: Mga walang hiya yung mga kaklase mo ah! At ikaw naman wag kang maniwala sa kanila, Bakit! Minumuta ka ba?





No comments:

Post a Comment